UNIBERSIDAD NG PAG-AARAL NA

PANLABAS NG BEIJING

Delegasyon ng BFSU, dumalaw sa Norway, Lithuania’t Kazakhstan

发布时间:2019-05-16

Dumalaw sa Norway, Lithuania at Kazakhstan ang delegasyon ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) na pinamumunuan ni Presidente Peng Long ng unibersidad, mula ika-12 hanggang ika-20 ng Hunyo, 2018.

Upang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng BFSU at mga pamantasan sa nasabing tatlong bansa, bumisita ang delegasyon sa iba’t ibang kilalang unibersidad at institusyong akademiko na kinabibilangan ng Unibersidad ng Oslo, Unibersidad ng Bergen, Vytautas Magnus University, International Science Complex “Astana” at Al-Farabi KazNU. Nilagdaan din ng BFSU at naturang mga pamantasan ang serye ng kasunduan.

Sa kanilang biyahe, nag-courtesy call din ang delegasyon sa mga embahador Tsino na nakatalaga sa nabanggit na tatlong bansa, at Consul General na Tsino sa Almaty, Kazakhstan. Kinatagpo rin ang delegasyon ng Ministro ng Edukasyon at Agham, at Asistante sa Pangulo at Kalihim ng Konsehong Panseguridad ng Kazakhstan.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

OFFICE FOR INTERNATIONAL EXCHANGE AND COOPERATION

OFFICE OF CONFUCIUS INSTITUTES

OFFICE FOR OVERSEAS STUDENTS AFFAIRS

GENERAL ADMINISTRATION OFFICE

Copyright@BFSU.Support by ITC