PROGRAMANG WALANG DIGRI
1.Mga kursong regular: 0.5 hanggang 1 taon, at mapapalawig kung kakailanganin. Makakakuha ng mga estudyante ng sertipiko makaraang makumpleto ang mga kinakailangang kurso sa wikang Tsino o ibang kurso at makapasa ng mga eksam.
2.Mga kurso sa maikling panahon: sa kasakuluyan, ang BFSU ay nagkakaloob lamang ng kurso sa wikang Tsino sa maikling panahon para sa mga dayuhan na gustong mag-aral ng wika’t kulturang Tsino. Sa bakasyong pantag-init, may 3-linggo, 4-na-linggo at 8-linggong kurso ayon sa pagkakasunud-sunod. Sa bakasyong pantaglamig, kadalasang may 4-na-linggong kurso lamang (depende sa bilang ng mga aplikante.) Mula Lunes hanggang Biyernes ang klase. Sa umaga, ang wikang Tsino ay itinuturo at sa hapon naman, ang kulturang Tsino. Bawat linggo, isang biyahe sa lunsod ng Beijing ay itinatakda. Ang mga estudyante ay bibigyan ng ID na pang-estudyanteng-dayuhan ng BFSU kapag pumasok, at sertipiko makaraang makumpleto ang mga kurso.