Alumni

Nitong mahigit pitong dekadang nakalipas, sapul nang itatag ang BFSU, ito ay nakahubog na ng mahigit 90,000 propesyonal na magaling sa wikang dayuhan at aktibo sa mga sektor na diplomatiko, militar, abugasya, pinansya, negosyo, media at edukasyon. Ang Tanggapan ng Alumni (Alumni Office) ay naglalayong pasulungin ang ugnayan sa pagitan ng BFSU at mga nagtapos nito, at ugnayan sa pagitan ng mga nagtapos para mapaglingkuran ang mga ito at mapasulong ang pag-unlad ng BFSU.

Abril, 2006 Ang BFSU Alumni Association sa Xiamen ay itinatag.
Abril, 2007 Ang BFSU Alumni Association sa Macao ay itinatag.
Mayo, 2007 Ang BFSU Alumni Association sa Shanghai ay itinatag.
Hunyo, 2008 Ang BFSU Alumni Association sa Yunnan ay itinatag.
Disyembre, 2012 Ang BFSU Alumni Association sa CBD, Beijing ay itinatag.
Disyembre, 2013 Ang BFSU Alumni Association ay opisyal na itinatag.
Enero, 2014 Ang BFSU Alumni Association (France) ay itinatag.
Disyembre, 2014 Ang BFSU Alumni Association sa Guangdong ay itinatag.
Abril, 2015 Ang BFSU Alumni Association (Hong Kong) ay itinatag.
Mayo, 2015 Ang BFSU Alumni Association (North America) ay itinatag.
2015
Magkakasunud na itinatag ang BFSU alumni contact points sa mga organisasyon na gaya ng Ministring Panlabas, Ministri ng Komersyo, Xinhua News Agency, China Central Television, China Daily at China Radio International. Kasabay nito, binuo rin ang samahan ng mga nagtapos sa BFSU na nagsimula ng sariling negosyo.

Masasabing makikita ang mga nagtapos sa BFSU saanman sa planetang mundo nagwawagayway ang Pambansang Watawat ng Tsina. Umaasa ang BFSU na ang lahat ng mga alumni ay makakalahok sa pag-unlad ng samahan ng mga nagtapos. Pinananabikan din ng BFSU ang panahong mahahanap ng mga alumni nito ang isang lugar na parang tahanan kung saan mararamdaman ang pagmamahal at pagkalinga mula sa BFSU. Saanman naroroon ang alumni, kapiling sila ng BFSU.

Tanggapan ng Alumni: http://xyh.bfsu.edu.cn/

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089