Academic Timetable
Degree Programs
App&Admission
Accomodation
Admission Tuition
Ang bawat panahon ng klase ng BFSU ay binubuo ng dalawang semestre: semestre ng tagsibol at semestre ng taglagas. Bilang pagsisimula ng bagong panahon ng klase, ang semestre ng taglagas ay kadalasang tumatagal mula pagpasok ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Enero ng susunod na taon. Ang semestre ng tagsibol naman ay kadalasang nagsisimula sa katapusan ng Pebrero at matatapos sa kalagitnaan ng Hulyo. May dalawang bakasyon—bakasyong pantag-init at bakasyong pantaglamig, bawat panahon ng klase. Kadalasang may dalawang buwan (Hulyo at Agosto) ang bakasyong pantag-init. Samantala, ang bakasyong pantaglamig na sa karaniwan ay may apat na linggo lamang ay isinasabay sa bakasyon ng Pestibal na Pantagsibol o Chinese New Year.
1.Mga kursong regular: 0.5 hanggang 1 taon, at mapapalawig kung kakailanganin. Makakakuha ng mga estudyante ng sertipiko makaraang makumpleto ang mga kinakailangang kurso sa wikang Tsino o ibang kurso at makapasa ng mga eksam.
2.Mga kurso sa maikling panahon: sa kasakuluyan, ang BFSU ay nagkakaloob lamang ng kurso sa wikang Tsino sa maikling panahon para sa mga dayuhan na gustong mag-aral ng wika’t kulturang Tsino. Sa bakasyong pantag-init, may 3-linggo, 4-na-linggo at 8-linggong kurso ayon sa pagkakasunud-sunod. Sa bakasyong pantaglamig, kadalasang may 4-na-linggong kurso lamang (depende sa bilang ng mga aplikante.) Mula Lunes hanggang Biyernes ang klase. Sa umaga, ang wikang Tsino ay itinuturo at sa hapon naman, ang kulturang Tsino. Bawat linggo, isang biyahe sa lunsod ng Beijing ay itinatakda. Ang mga estudyante ay bibigyan ng ID na pang-estudyanteng-dayuhan ng BFSU kapag pumasok, at sertipiko makaraang makumpleto ang mga kurso.
1. Aplikasyon: Kailangang isumite ng aplikante ang kanyang aplikasyon at mga kinakailangang dokumento sa website ng BFSU (http://study.bfsu.edu.cn). Kung mag-e-enroll sa semestreng pantaglagas, kailangang isumite ng mga estudyante ang aplikasyon mula kalagitnaan ng Abril hanggang unang dako ng Hunyo. Kung mag-e-enroll naman sa semestreng pantagsibol, kailangang isumite ng mga estudyante ang aplikasyon mula kalagitnaan ng Oktubre hanggang unang dako ng Enero sa susunod na taon. Susuriin ng BFSU ang mga dokumento ng mga aplikante at hihingi ng karagdagang dokumento kung kakailanganin. Maaaring itsek ng aplikante ang progreso sa website ng BFSU.
2. Admisyon: Kapag tinanggap ang aplikante, magpapadala ang BFSU sa kanya ng notipikasyon ng admisyon at ibang mga dokumento na gaya ng visa application form (JW202) at liham ng pagtanggap para sa mga bagong estudyante. Apat hanggang limang linggo ang kinakailangan para sa admisyon at pagpapadala ng nasabing mga dokumento.
Nagkakaloob ang BFSU ng iba’t ibang uri ng silid sa dormitoryo para pagpilian ng mga estudyanteng dayuhan.
Kung hindi makakatira sa kampus, kailangang makahanap ang estudyante ng ibang matitirahan bago pumasok. Pagdating ng Beijing, kailangan siyang magreport sa lokal na istasyon ng pulis. Bibigyan ng pulis ang estudyante ng sertipiko ng akomodasyon para sa admisyon sa paaralan at aplikasyon para sa bisa. Kung walang sertipiko ng akomodasyon, hindi maaaring magparehistro ang estudyante.
Programa |
Lebel ng Edukasyon |
Matrikula |
Gastos sa Rehistrasyon |
---|---|---|---|
Edukasyong May Digri | |||
Programa para sa Wikang Tsino | Undergraduate | 12150 yuan /Semestre
22150 yuan/ School Year |
400 yuan |
Postgraduate | 27000 yuan/ School Year | 800 yuan | |
Programa di-para sa Wikang Tsino | BA | 26000 yuan/School Year | 800 yuan |
Postgraduate | 27150 yuan /School Year | 800 yuan | |
Postgraduate ng
Paaralang Gradwado ng Pagsasalin at Pagpapakahulugan |
30000 yuan/ School Year | 800 yuan | |
Progromang Pang-PhD | 34000 yuan/ School Year | 800 yuan | |
Edukasyong
Walang Digri |
|||
Programa para sa Wikang Tsino | Kursong Regular | 11150 yuan/ Semestre
21150 yuan/ School Year |
400 yuan |
it doesn't take a genius to start and also can become the best person
click hereCopyright 2005-2015 BFSU.