Tagapangulo ng Konseho ng BFSU, lumahok sa seremonya ng paggagawad sa Confucius Institute sa Unibersidad ng Hawaii

Ginawaran noong Mayo 3 ng Confucius Institute Headquarters o Hanban ang Confucius Institute sa Unibersidad ng Hawaii bilang Modelong Confucius Institute. Ang Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) ay kapartner ng nasabing Confucius Institute.

Lumahok sa nasabing seremonya sina Ma Jianfei at Jing Wei, kapuwa pangalawang punong ehekutibo ng Hanban. Sa ngalan ng nasabing Confucius Institute, tumanggap si David Lassner, Presidente ng Unibersidad ng Hawaii, ang plake na may nakaukit na titik na Modelong Confucius Institute sa wikang Tsino at wikang Ingles. Sa ngalan naman ng BFSU, dumalo sa seremonya ng paggagawad si Wang Dinghua, Tagapangulo ng Konseho ng BFSU.

 

 

 

 

 

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
[email protected] https://international.bfsu.edu.cn/en/
General Administration Office

0086-10-88816215
[email protected]