Pagdiriwang ng Taon ni Zayed, inilunsad sa BFSU

Noong Abril 11, 2018, ginanap sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) ang Selebrasyon ng Taon ni Zayed sa Tsina bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni Sheikh Zayed, yumaong pangulo ng United Arab Emirates (UAE).
Kalahok sa aktibidad sina Peng Long, Presidente ng BFSU; Yan Guohua, Pangalawang Presidente ng BFSU; Ali Obaid Al Dhaheri, Embahador ng UAE sa Tsina; mahigit sampung diplomata mula sa mga bansang Arabe; mga guro at estudyante mula sa Paaralan ng Pag-aaral na Arabe ng BFSU; at mahigit 300 personahe mula sa pamahalaang Tsino, media, at sektor na pangnegosyo.
Nangulo sa seremonya si Propesor Xue Qingguo,Puno ng Sentrong Zayed sa Pag-aaral sa Wikang Arabe at Islam ng BFSU.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
[email protected] https://international.bfsu.edu.cn/en/
General Administration Office

0086-10-88816215
[email protected]