Presidente Peng ng BFSU, dumalaw sa Hapon

Dumalaw sa Hapon si Presidente Peng Long ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU) mula Marso 23 hanggang 25, 2018, bilang miyembro ng delegasyong pinamumunuan ni Chen Baosheng, Ministro ng Edukasyon ng Tsina.
Dumalo ang delegasyon sa Ikalawang Pulong ng China-Japan University Alliance for People-to-People Exchanges na idinaos sa Hiroshima University, noong Marso 24. Kapuwa bumigkas ng talumpati sina Ministro Chen at Presidente Peng. Ang BFSU ay miyembrong tagapagtatag ng nabanggit na alyansa. Mahigit 80 kinatawan mula sa 22 pamantasang Tsino at Hapones ang lumahok sa pulong.


Sa nasabing pagdalaw, lumagda rin si Presidente Peng at ang Hiroshima University sa kasunduan ng pagpapalitan ng dalawang unibersidad.

 

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
[email protected] https://international.bfsu.edu.cn/en/
General Administration Office

0086-10-88816215
[email protected]