18 programang pang-undergraduate, inilunsad ng BFSU; 98 wikang dayuhan, itinuturo

Ipinatalastas kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang listahan ng mga programang pang-undergraduate na inaplayan ng mga unibersidad ng bansa noong 2017 makaraang suriin at aprubahan ang mga ito.
Batay sa nasabing listahan, 18 bagong programa ang opisyal na inilunsad ng Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU). Kabilang sa naturang mga programa ay Dhivehi, Tetun, Dari, Kinyarwanda, Sesotho, Kirundi, Chewa, Sango, Fijian, Tok Pisin, Niuean, Bislama, Cook Islands Māori, Luxembourgish, kasaysayang pandaigdig, pangangasiwang pinansyal, negosyong pandaigdig, at pag-aaral na panteatro.
Bunga nito, umabot sa 115 ang kabuuang bilang ng mga programang pang-undergraduate sa BFSU na kinabibilangan ng 97 programa ng wikang dayuhan na nagtuturo ng 98 na lingguwaheng banyaga, isang programa ng pagsasalin, at 17 programang di-pang-wikang dayuhan.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
[email protected] https://international.bfsu.edu.cn/en/
General Administration Office

0086-10-88816215
[email protected]