Presidente Peng ng BFSU, nagtalumpati sa Ika-12 Komperensya ng Institutong Kompyusyus

Idinaos sa Xi’an, kabisera ng lalawigang Shaanxi sa dakong hilaga ng Tsina ang Ika-12 Komperensya ng Institutong Kompyusyus noong ika-12 ng Disyembre, 2017. Sa seremonya ng pagbubukas ng pulong na may temang “Palalimin ang Pagtutulungaan, Pasulungin ang Kaunlarang Pang-inobasyon, para Magkakasamang Maitatag ang Komunidad ng Pinagbahaginang Kinabukasan para sa Sangkatauhan,” bumigkas ng keynote speech si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina at Presidente ng Konseho ng Punong Himpilan ng Institutong Kompyusyus.

Lumahok sa pulong sina Presidente Peng Long at Pangalawang Presidente Yan Guohua ng Unibersidada ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU).

Sa ngalan ng mahigit 220 katuwang na Tsino ng Institutong Kompyusyus o Confucius Institute, nagtalumpati si Presidente Peng.

Si Presidente Peng Long ng BFSU habang nagtatalumpati sa Ika-12 Komperensya ng Institutong Kompyusyus, sa Xi’an, Tsina, Disyembre 12, 2017

Tinukoy ni Peng na gumaganap ang mga Confucius Institute ng bukod-tangi at mahalagang papel sa pagtataguyod ng people-to-people communications sa panahon ng globalisasyon at imporasyon.

Ilang Confucius Institute na ang BFSU ang katuwang na Tsino at indibiduwal na mula sa mga institutong ito ang napagkalooban ng gawad-parangal dahil sa kanilang natatanging gawa. Ang Confucius Institute sa Sofia, Bulgari ay ginawaran bilang “Confucius Institute ng Taon.” Sina Jakob Pöllath, Tagapangulo ng Konseho ng Confucius Institute Munich at Kim Inchul, Presidente ng Hankuk Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas naman ang nagantimpalaan ng Indibiduwal na Gawad ng Kahusayan sa Paggawa. Ang Confucius Institute sa Moscow State Linguistic University ay pinagkalooban ng premyong Bukod-tanging Ambag sa Pagpupuslit sa Wikang Tsino. Ang Kongzi Institute sa University of Malaya naman ang napagkalooban ng “Gawad ng Kahusayan sa Wikang Tsino.”

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
[email protected]
Office for Overseas Students Affairs

0086-10-88816549/0671/6424
[email protected]
Office of Confucius Institutes

0086-10-88816540
[email protected]
General Administration Office

0086-10-88816215
[email protected]