11 bagong programang pang-undergraduate, inilunsad ng BFSU

Labing-isang (11) bagong programa ng BFSU ang inaprubahang ilunsad kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina.

2010331

Kabilang sa nasabing mga karagdagang kurso ng BFSU ay Kurdo (Kurdish), Kriyolo (Creole), Tigrinya, Tswana, Shona, Ndebele, Komoryan (Comorian), Biyelaruso (Belarusian), Maori, Tangan at Samoano (Samoan).

Dahil dito, umabot sa 97 ang kabuuang bilang ng mga programang pang-undergraduate ng BFSU na kinabibilangan ng 83 programa ng wikang dayuhan na itinuturo sa pamamagitan ng 84 na lengguwahe, isang programa ng pagsasalin at pagpapakahulugan, at 13 programang di-pang-wikang dayuhan.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089