Dalawang asignatura ng BFSU, napahanay sa Top 100 sa QS World University Rankings 2017

Nitong Marso 8, 2017, ang QS World University Rankings by Subject 2017 ay inilabas ng QS Quacquarelli Symonds, kompanya na may punong himpilan sa London at nangunguna sa pagkakaloob ng impormasyon hinggil sa mas mataas na edukasyon.

Ayon sa nasabing rankings, ang BFSU ay nakaungos sa mga kapuwa unibersidad ng lengguwahe at pag-aaral na panlabas ng Tsina. Dalawang asignaturang kinabibilangan ng Lingguwistika at Mga Makabagong Lengguwahe ng BFSU ang nasa ika-51 hanggang ika-100 puwesto at ang Lingguwahe’t Panitikang Ingles ay nasa ika-201 hanggang ika-200 puwesto.

2010331

Ang nabanggit 2017 Rankings ay sumasaklaw sa kabuuang 46 na asignatura ng mga prestihiyosong pamantasan ng daigdig. Kabilang sa apat na pangunahing pamantayan ng Rankings ay pananaliksik, pagtuturo, employabliti at internasyonalisasyon.

Ang 2017 Rankings ay resulta ng pagsagot sa surbey ng mga 305,000 akademiko, 194,000 empleyador, at analisis sa limang-taong datos ng 43 milyong publikasyon at 185 milyong hayagang papuri mula sa Scopus, pinakamalaking database ng abstract at citation ng daigdig.

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089