Kauna-unahang kurso ng wikang Azerbaijani sa Tsina, inilunsad sa BFSU

Ang Kurso ng Azerbaijani, wikang opisyal ng Azerbaijan ay inilunsad sa Unibersidad ng Pag-aaral na Panlabas ng Beijing (BFSU), noong Pebrero 28, 2017. Ito ang kauna-unahang ganitong kurso sa Tsina.

20170303配图

Ang guro ng nasabing kurso ay si Dr. Agshin Aliyev. Si Dr. Aliyev, na taga-Azerbaijan ay nagsisilbi ring mananaliksik na dayuhan ng Paaralan ng Pananaliksik na Asyano at Aprikano (SAAS) ng BFSU. Kabilang sa mga larangan ng pananaliksik ni Dr. Aliyev ay balarila ng makabagong wikang Tsino, inilapat na lingguwistika, leksikolohiya at iba pa. Bukod sa wikang Azerbaijani, matatas din siya sa wikang Tsino, wikang Ingles, wikang Ruso at wikang Turko. Natamo ni Dr. Aliyev ang digring doktoral sa panitikan sa Pamantasang Normal ng Silangang Tsina (ECNU) noong 2013. Noong 2016, natapos niya ang pananaliksik na pos-doktoral sa Pamantasang Normal ng Shanghai (SNU).

No.2 North Xisanhuan Road, Beijing, P.R. China 100089

Office for International Exchange and Cooperation

0086-10-88816715
ieco@bfsu.edu.cn
Office for Overseas Students Affairs

0086-10-88816549/0671/6424
wsclxb@bfsu.edu.cn
Office of Confucius Institutes

0086-10-88816540
kongzi@bfsu.edu.cn
General Administration Office

0086-10-88816215
bwxzb@bfsu.edu.cn